KKDAT Maria Chapter, nakiisa sa PROJECT J.O.Y.F.U.L sa Siquijor

Maria, Siquijor – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Maria Chapter sa inilunsad na PROJECT J.O.Y.F.U.L (Just Open Yourself for Unconditional Love) sa Poblacion Sur, Maria Siquijor nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Maria Police Station sa pangunguna ni Police Captain Renette Joy G Jumuad, Acting Chief of Police katuwang ang mga miyembro ng SPMFP.

Ito ay alinsunod sa National Children’s Month Celebration, kung saan naging tampok ang parlor games at feeding activity na siyang lubos na nagpasaya sa mga batang lumahok sa nasabing aktibidad.

Patuloy ang mga miyembro ng KKDAT sa pamimigay ng tulong at pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya upang maiparamdam sa mga bata ang pagmamahal at pagkalinga ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *