Brgy. Based Advocacy Group, dumalo sa Symposium Lecture sa Santiago City
Aktibong nakiisa ang mga grupo ng Kababaihan ng Santiago Isabela sa isinagawang symposium lecture sa Barangay San Andres, Santiago City nitong Lunes, Nobyembre 6, 2023. Ang aktibidad ay isinagawa ng mga tauhan ng Santiago City Police Station at tinalakay sa aktibidad ang Crime Prevention Safety Tips, Gender Based Violence, Anti-Illegal Drugs bilang pagsuporta sa BIDA Program ng DILG at kabilang din ang paksa ng Terorismo bilang pagsuporta naman sa NTF- ELCAC.
Naging aktibo ang naturang talakayan sa pagbibigay impormasyon at babala kung paano maiwasan at sugpuin ang mga kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Ang mga aktibidad ay naglalayon na itaas ang kamalayan tungkol sa pagkakapantay-pantay sa kabila n kasarian, panganib na banta ng terorismo at ganoon din ang epekto na dala sa paglaganap ng ilegal na droga at maging ang kaparusahan sa mga taong sangkot sa paglabag sa mga nasabing batas.
Source: Santiago City Police Station