Advocacy Support Group, nakilahok sa Feeding Program sa Iloilo

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa feeding program para sa mga mag-aaral ng Batuan Child Development Center sa Brgy. Batuan, Dueñas, Iloilo noong ika-8 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ng Dueñas Municipal Police Station ang aktibidad kasama ang Salaam Police Advocacy Group na kung saan ay namahagi ng libreng pagkain sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral at mga guro sa inilaan na oras at pagmamahal ng mga kapulisan at Salaam Police Advocacy Group sa kanila.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong programa upang maipadama ang kanilang malasakit sa kapakanan ng mga kabataan at sa pagtataguyod ng kapayapaan at kooperasyon sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *