Stakeholders namahagi ng Food Packs sa Pasay City

Namahagi ng food packs ang mga Stakeholders sa isinagawang Masjid Visitation sa Park Avenue, Pasay City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 22, 2023.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang kapulisan mula sa District Community Affairs and Development Division sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jenny DC Tecson, Chief DCADD. Gayundin, ang mga ipinamahaging food pack at meryenda ay dahil sa kagandahang-loob ni Dr Vincent S Chan, Founder Brixton Hills Volunteer Fire Brigade at Mr. Han Hanter, JK Essentials Inc kay Imam Zubair Disambren ng Masjid Al-noor.

Pinasalamatan naman ng mga residente ang PNP at Stakeholders sa kanilang buong pusong pagseserbisyo sa komunidad at sa pagbibigay ng importansya sa Muslim community. Aniya pa, susuportahan ng kanilang grupo ang kapulisan sa lahat ng kanilang mga programa at hanggang sa kapayapaan at kaayusan ng ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *