Outreach Program, isinagawa sa Lungsod ng Tuguegarao

Maagang pamasko ang hatid iba’t ibang advocacy support groups, stakeholders at Tuguegarao Component City Police Station sa mga residente ng Brgy. Sitio Bayaua, Larion Alto, Tuguegarao City Cagayan sa pamamagitan ng ng outreach program na ginanap nitong Disyembre 8, 2023.

Katuwang ang Breadtalk Charity at Lokal na Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa pamamamahagi ng mga food packs, tinapay at pagsasagawa ng feeding activity.

Nagbahagi din ng kaalaman ang mga kapulisan ng Tuguegarao PNP sa mga residente tungkol sa masamang dulot ng droga lalo na sa mga kabataan.

Kita sa mga ngiti ng mga residente ng Sitio Bayaua ang saya at pasasalamat sa mga bitbit na regalo ng nasabing mga grupo.

Ang diwa ng kapaskuhan ay pagkakaisa, pagbibigayan at pagpapakita ng malasakit sa kapwa na nakaukit na sa puso ng bawat Pilipino. Source:Tuguegarao Component City PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *