Faith Based Advocacy Group, nagsagawa ng Awareness Lecture
Nagsagawa ng lecture ang faith based advocacy group sa pangunguna ni Pastora Marites Suyu sa mga residente ng Brgy. Bugatay, Peñablanca, Cagayan noong ika-23 ng Disyembre 2023.
Nagbahagi ng kaalaman si Pastora ukol sa Revitalized Kasimbayanan at bible verse mula sa aklat ni John 3:16 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisaisang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
” Ayon pa kay Pastora dapat ang kapulisan, simbahan at pamayanan ay magtulungan upang matagumpay na maipatupad ang mga batas at programa para sa kabutihan at kapakanan ng lahat.
Umabot sa 150 na residente ang aktibong lumahok at nakinig sa mga mensahe ni pastora. Nagkaroon din ng magandang interaksyon sa aktibidad ang mga residenteng dumalo.
Layunin ng aktibidad na mapalapit lalo sa panginoon ang mga mamamayan upang magkaroon ng takot at matibay na pananampalataya na isang paraan para magkaroon ng tahimik at payapang pamayanan.
Source: Peñablanca Police Station