“Peace Advocates”, nagtipon at nakiisa sa Indignation ally sa Baguio City
Nakiisa ang mga “Peace Advocates” mula sa iba’t ibang sektor sa isinagawang indignation rally para tutulan ang karahasan, panlilinlang at masasamang Gawain ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) nito lamang Martes ng hapon, Disyembre 26, 2023 sa Malcolm Square, Session Road, Baguio City.
Ang rally ay isinagawa alinsunod sa nasyunal na programa para wakasan ang Lokal na Communist Armed Conflict sa bansa sa pamamagitan ng isang peace covenant na may temang Sulong Para sa Kapayapaan: ‘Walang Magmamahal sa Pilipinas kundi tayong mga Pilipino, Walang Magmamalasakit sa Pilipino kundi Kapwa Pilipino’’.
Kabilang sa mga ginanap na aktibidad ang Peace Rally, Peace Walk, at Concert, Cultural Presentations at Pledge of Commitment. Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Police Colonel Ruel D Tagel, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15) ng Police Regional Office Cordillera (PRO Cordillera), kasama ang Joint Task Force Baguio, Project Kalinga Team, mga miyembro ng Youth sector, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Youth Mobile Force(YMF) at iba pang Advocacy Support Groups.
Nakilahok din ang mga kilalang personalidad, kabilang si Honorable Benjamin Magalong, Mayor ng Lungsod; FR. Adonis Bringas, OPAPRU; HON. Vladimir Cayabas, BAGPTD, Tagapangulo; Colonel Virgilio Noora (MNSA) PA Commander, JTG at Regional Cluster Head NYC-CAR & Region 1.
Nagpahayag ang mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang sektor ng kanilang karanasan at suporta para sa ELCAC at sa misyon nito na wakasan ang komunistang insurhensiya sa bansa. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran na inaasam asam ng bawat Pilipino lalo na sa mga apektadong lugar ng insurhensiya.
Ang sektor ng kabataan ay nagdeklara ng kanilang layunin na maging bahagi ng solusyon sa problemang kinahaharap ng ating bansa. Mapayapa at maayos ang kombensiyon, kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pagkamakabayan sa pamamagitan ng pag-awit, pagsayaw, paggawa ng islogan, at paglagda ang Peace Wall of Commitment.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga organizers sa lahat ng nakilahok at nangakong ipagpapatuloy ang kanilang adbokasiya hanggang sa matapos ang communist insurgency, at makamit ang kapayapaan at kaunlaran para sa lahat ng Pilipino.