Kaligkasan Warrior nakiisa sa Tree Planting Activity sa La Paz, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Plating Activity sa Barangay La Purisima, La Paz, Tarlac nito lamang Martes, ika-9 ng Enero 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng La Paz Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Barangay-Based, Barangay Health Worker at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Women Advocacy Support Group.

Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa lugar.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *