Coastal Clean-up Drive, isinagawa bilang bahagi ng Annual Zero Waste Month sa Romblon
Romblon – Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)-Romblon ang pagsasagawa ng coastal clean-up drive sa Brgy. Ginablan, Romblon noong ika-31 ng Enero 2024.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng probinsya sa Annual Zero Waste Month na may tema ngayong taon na “Choose Reuse: A Pathway for a Just Zero Waste Future”.
Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya at mga Operational Control Units ng pamahalaan upang maisakatuparan ang gawaing ito. Nakiisa ang Philippine National Police (PNP) -Romblon, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO), Local Government Units (LGU), at Romblon State University-Romblon Campus BSIT Intern Students.
Mula sa nasabing gawain ay nakapagkolekta ang mga volunteer’s ng halos limampu’t apat (54) na sako ng mga halu-halong basura mula sa dalampasigan ng Ginablan, Romblon.
Adhikain ng aktibidad na mai-promote ang kalinisan at ang pagkakaroon ng masaganang kalikasan para sa progresibong komunidad.