Community Outreach Program, isinagawa sa mga residente ng Aborlan Palawan
Palawan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang The Fraternal Order of Eagles-Aborlan Talakaigan Eagles Club at Aborlan Marikit Lady Eagles Club sa Sitio Daan, Brgy Apurawan, Aborlan, Palawan nito lamang Pebrero 3, 2024.
Nakipag-ugnayan ang mga nabanggit na organisasyon sa Local Government Unit sa Aborlan, sa pangunguna ni Hon Jaime Ortega, Municipal Mayor, MBLT-7 sa pamumuno ni 2nd Lieutenant Bucayu, Philippine Coastguard, at Barangay Peacekeeping Action Team ng naturang lugar.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kapulisan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Freddie S Ugalde, Platoon Leader.
Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo tulad ng feeding activities, pamimigay ng mga kulambo, tsinelas, libreng gupit, libreng tuli, libreng check-up, at medisina na magbibigay benepisyo sa humigit kumulang 300 na pamilya at kabataan sa nasabing barangay.
Ang naturang grupo kasama ang miyembro ng gobyerno ay patuloy na nagbibigay nang dekalidad na serbisyo lalong-lalo na sa mga Geographically Isolated Disadvantage Areas or GIDAS para makatulong sa mga residenteng higit na mas nangangailangan sa buhay.