KKDAT Cagayan Chapter, nagsagawa ng 3-Days Peace Symposium
Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Peace Symposium ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cagayan Chapter na nagsimula noong ika-31 ng Enero hanggang Pebrero 2, 2024.
Naisagawa ang aktibidad sa bayan ng Allacapan, Lasam, Rizal at Sta. Teresita sa loob ng tatlong araw. Ang nabanggit na Peace Symposium ay naglalayong tipunin ang mga kabataan sa isang bayan upang ipagbigay-alam sa mga ito ang mga hindi magandang naidudulot ng pagkasangkot sa ilegal na droga at pagsanib sa mga makakaliwang grupo at mailayo sila sa mga ito.
Tinalakay nasabing sa symposium ang masamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan at maging sa kinabukasan ng mga gumagamit nito. Dagdag nito, tinalakay naman ang tungkol sa terorismo, kung paano sila magrekrut at anong buhay ang naghihintay sa kanila sa loob ng organisasyon.
Tumugtog din ang Cagayano Cops Band upang magbigay aliw sa mga kabataang kalahok habang isinagawa ang naturang symposium. Naging matagumpay ang tatlong araw na symposium sa pangunguna nina Hon. Jamaica Naldo, KKDAT Provincial Secretary at iba pang KKDAT officers.
Dumalo rin si Pastor Mean Castro, MBK-LC upang ipaabot ang kanilang suporta sa grupo