Barangay Peacekeeping Action Team sa Masbate, sumailalim sa Skills Enhancement Training at Seminar
Palanas, Masbate -Sumailalim sa isinagawang Skills Enhancement Training at seminar ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) na isinagawa sa Barangay Maravilla, Palanas, Masbate nitong lamang Pebrero 4, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Palanas Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Nick Belbes, Chief of Police.
Tinalakay sa naturang seminar ang paksa ukol sa RA 9262 o ang Anti- Violence Against Women and Their Children, BIDA Program o Buhay Ingatan, Drogay Ayawan, Community Anti- Terrorism Awareness (CATA), EO70 o ang “NTF- ELCAC.”
Layunin nito na malinang ang kasanayan at kaalaman ng mga miyembro ng BPATs sa lugar na siyang kabalikat ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.