BPATS at Force Multipliers nagsagawa ng Tree Planting Activity
Matagumpay ang isinagawang Tree Planting Activity ng mga Barangay PeaceKeeping Action Team (BPATS) at mga Force Multipliers sa Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang ika-3 ng Pebrero 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Casiguran. Ang aktibidad ay aktibong dinaluhan ng Kaligkasan Volunteers, Philippine Coastguard, Force Multipliers, Women’s sector, BPATs, Barangay Officials, at iba pang mga support advocacy group, kasama ang mga tauhan ng Auroa 2nd Provincial Mobie Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander.
Ang pagtatanim ng puno ng bakawan ay kaugnay ng pagdiriwang ng World Wetlands Day 2024 sa mga NGP.
Layunin nitong makabuo ng masusing kooperasyon sa pagpapalaganap ng kamalayang pangkalikasan at pagtataguyod ng magandang kapaligiran.
Ang pagsasama-sama ng nasasakupan at mga awtoridad sa ganitong mga gawain ay nagbibigay daan para sa isang mas maingat na pangangalaga sa kalikasan at naglalayong bumuo ng mas malakas na pundasyon ng responsableng pag-aalaga sa ating kalikasan para sa hinaharap.
Source: Aurora 2nd PMFC