KKDAT at Force Multiplier, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Bayan ng Bagumbayan sa Purok Sarmiento, Brgy. Poblacion, Bagumbayan, Sultan Kudarat nito lamang ika-02 ng Pebrero 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo katuwang ang DENR/CENRO sa pangunguna ni Mr. James R. Omar, Division Officer IV. Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Bagumbayan PNP sa pamumuno ni Police Major Ronalyn P Domider, Chief of Police katuwang ang Advocacy Support Group, Force Multipliers at iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Layunin ng aktibidad na maipakita ang aktibong pakikilahok ng ahensya ng gobyerno at ng komunidad upang mapanatili ang kalusugan ng ating ecosystem at makatulong laban sa climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *