KKDAT Mayoyao Chapter, aktibong nakilahok sa Tree Planting at Clean-up Drive

Nakilahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorrismo (KKDAT) Mayoyao Chapter sa isinagawang Tree Planting at Clean-up Drive sa Balangbang Elementary School, Balangbang, Mayoyao, Ifugao nito lamang ika-3 ng Pebrero 2024.

Ang nasabing aktibidad ay inisponsoran ni Atty. Sol Chungalao katuwang ang Maala’an Youth Organization. Kabilang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Mayoyao PNP, RMFB1501st MC, Barangay Officials na pinamumunuan ni Barangay Kapitan Dany Balajo, YMF Mayoyao organization, SKF office, at USSG Mayoyao National High School.

Sa pagkakaisa ng grupo, matagumpay na naitanim ang kabuuang 250 na iba’t ibang uri ng punong-kahoy na kinabibilangan ng 50 mahogany, 50 lansones, 50 cacao, 50 citrus, at 50 guyabano.

Ang matagumpay na pagpapatupad ng pagtatanim ng puno ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng kalikasan upang mapanatili ang kagandahan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *