Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng City Environment and Natural Resources Office sa Maasim, Sarangani Province
Nasa mahigit limampung indibidwal ang nakilahok sa coastal clean-up drive na isinagawa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Kiamba sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province nito lamang Pebrero 4, 2024.
Kasama rin sa aktibidad si Hon. Nancy S Chua, Barangay Council, Committee for Environment, Maasim LGU, Advocacy Support Group, National Agencies, BFP Maasim, Sarangani PNP, stakeholders mula Sarangani Energy Corporation at PWUDs Maasim.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang wastong pamamahala ng basura at magkaroon ng kamalayan ang publiko hinggil sa mga isyu ukol sa kalikasan.
Patuloy naman ang CENRO katuwang ang mga mamamayan, lokal na ahensya ng pamahalaan, mga pribadong sektor at Advocacy Support Group sa pagsasagawa ng coastal clean-up drive upang mapanatili ang pangangalaga sa kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon.