Community Outreach Program, nilahukan ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa Maria, Siquijor
Masugid na nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ang Community Outreach Program na isinagawa sa Maria Manpower Center, Barangay Poblacion Norte, Maria, Siquijor noong Pebrero 6, 2024.
Kabilang sa nakiisa sa aktibidad ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na pinangunahan ni Kian Zamora, Honor 1000 Movement na kinatawan ni Ms. Maricar Usaraga, Pastor Fabio Artajo ng Value Life Coach, at mga tauhan ng Maria Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Renette Joy G Jumuad, Acting Chief of Police.
Sa naturang aktibidad ay nagkaroon ng lecture hinggil sa Anti-Illegal drugs, Anti-Terrorism, at Online Sexual Exploitation of Children at sinundan ito ng pamamahagi ng meryenda sa mga naging kalahok sa aktibidad.
Ito ay bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan at iba pang organisasyon upang makatulong sa kapakanan ng mga kabataan at ng komunidad sa pangkalahatan.