Joint Community Outreach Program, isinagawa ng Provincial Government of Bulacan sa Bulihan, Bulacan
Nagdulot ng labis na tuwa sa mga residente ang isinagawang Joint Community Outreach Program ng Provincial Government of Bulacan na ginanap sa Barangay Hall ng Bulihan, Malolos City, Bulacan nito lamang Martes, ika-6 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Daniel R. Fernando ng Probinsya ng Bulacan kasama si Hon. Romina Fermin, Board Member ng 1s District ng Bulacan, Vice Governor Alexis C Castro at si Hon. James Santos, Executive Assistant, Office of the Governor na siyang kumatawan kay Governor Fernando sa nasabing programa.
Nakiisa din dito sina Mayor Christian D. Natividad ng Malolos City, Hon. Clark Basano, Community Adviser, KASIMBAYANAN, Hon. Luisito C Zuniga, Barangay Captain, Bulihan, Malolos at iba pang opisyales ng barangay.
Kabilang sa isinagawa ang libreng gupit, medical, dental at optical check-up para sa mga residente ng Barangay Bulihan at ang pamamahagi ng medical supplies, binhi at wheelchair para sa kanilang napiling mga benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na paigtingin ang pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng bayan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang serbisyo publiko.