Miyembro ng VAWC Desk Officer sa Albay, sumailim sa Training

Sumailalim sa isinagawang Violence Against Women and their Children (VAWC) Training ang mga miyembro ng Cluster II VAWC Desk Officer mula pa sa 17 barangays ng munisipalidad ng Pio Duran, Albay nito lamang Pebrero 6, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Pio Duran Municipal Police Station sa ilalim ng pamununo ni Police Major Darwin S Sevilla, hepe ng naturang istasyon.

Ibinahagi ng kapulisan ang kaalaman patungkol sa epektibong pagganap ng tungkulin ng isang VAWC, pagbabahagi ng mga paksa hinggil sa mga isyu ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata.

Layunin nito na magampanan ang bawat miyembro ng VAWC Desk Officer ng tama ang kanilang tungkulin sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *