“Alay dugo sa araw ng mga puso”, hatid ng Liga ng mga Barangay
Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Liga ng mga Barangay katuwang ang Red Cross Isabela Chapter na may temang “Alay Dugo sa Araw ng mga Puso” na ginanap sa FL Dy Coliseum, Barangay District 1, Cauayan City, Isabela nito lamang Pebrero 12, 2024.
Nakiisa sa aktibidad ang Cauayan Component City Police Station sa pangungunna ni Police Lieutenant Colonel Ernesto DC Nebalasca Jr., kasama ang mga kawani at Barangay Officials ng nasabing lungsod.
Ang aktibidad ay naglalayong makatulong sa mga pamilyang lubos na nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang buhay ng bawat isang mamamayang Pilipino.
Ayon sa datos mula sa Philippine Red Cross Isabela Chapter, nakaipon ang Blood Bank ng 108 bags mula sa iba’t ibang donors ng naturang lungsod.
Patuloy ang pagsuporta ng pamahalaan sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na Whole-of-Nation Approach na naglalayong tulungan ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga aktibidad at programa upang makamit ang nagkakaisa at maayos na kamunidad tungo sa mas maunlad at payapang bansa.
Source: Cauayan CCPS