Solar Irrigation Project para sa mga magsasaka, inihahanda na ng NIA
Handa na ang 21 Solar Irrigation Project para sa mahigit 2,500 ektaryang sakahan sa Kalinga, Abra, at Apayao ayon sa National Irrigation Administration o NIA.
Sa tulong ng solar energy, mapapatubigan na ang sakahan ng 360 magsasaka sa mga nabanggit na probinsya na malaking tulong upang di matuyo ang kanilang mga tanim sa panahon ng El Niño.
Bukod dito, namigay din ang NIA ng 61 water pump sa Pangasinan at nagsagawa ng desilting operation o pag-aalis ng mga nakabarang lupa sa irrigation system ng Palico River sa Nasugbo Batangas.
Ang mga hakbang na ito ay isa sa mga programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R Marcos, Jr. upang masigurong walang maluluging mga magsasaka sa oras ng kalamidad bagyo man yan o tag-tuyot.