Barangay Assembly Day, isinagawa sa lalawigan ng Cagayan

Nagsagawa ng Barangay Assembly Day ang Barangay Catataran at Dagupan sa bayan ng Allacapan, Cagayan katuwang ang iba pang mga opisyales ng naturang lugar nito lamang ika-31 ng Marso 2024.

Imbitado naman ang hanay ng kapulisan sa pangunguna ni Police Major Krismar Angelo P Casilana, Officer-In-Charge ng Allacapan Police Station.

Ang 1st Semester Barangay Assembly 2024 ay may temang “Barangay at Mamamayan, Sama-samang Nagtutulungan sa Pagtaguyod ng Maayos, Maunlad at Mapayapang Pamayanan Tungo sa isang Bagong Pilipinas”.

Tinalakay ni PMaj Casilana ang paksa ukol sa Anti-Criminality Campaign kung saan ay napakahalaga nito sa lipunan ng mamamayan upang maiwasan ang paglago ng kriminalidad hindi lamang sa kanilang nasasakupan gayundin sa buong bansa.

Ang aktibidad na ito ay may kinalaman sa “Ligtas Summer Vacation (SUMVAC) 2024 na naglalayong palakasin ang kaligtasan at kaayusan ng pamayanan.

Patuloy na makikipagtulungan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mamamayan upang maghatid ng maayos at magandang serbisyo sa publiko na siyang magiging tulay ng matibay na ugnayang pulis at mamamayan sa pagtataguyod ng tiwala, kooperasyon, at kapayapaan sa ating lipunan.

Source: Allacapan PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *