Serbisyo Caravan, isinagawa ng LGU Calintaan

Naisakatuparan ng LGU Calintaan ang Serbisyo Caravan na ginanap sa Iriron Elementary School, Barangay Iriron, Calintaan, Occidental Mindoro nito lamang ika-2 ng Abril 2024.

Ang naturang caravan ay pinangunahan ni Hon. Dante C. Esteban, Municipal Mayor, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Non-Government Organizations, at iba pang stakeholders.

Kasama sa nakiisa sa programa ang mga tauhan ng Calintaan Municipal Police Station sa pamumuno ni PCpt Dennis C Tariga, Acting Chief of Police ng Calintaan MPS at 68th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni LtC Marlon T Salvador INF (GSC), Commanding Officer.

Ang mga serbisyong hatid sa mga residente ng nasabing barangay ay ang pagsasagawa ng diyalogo hinggil sa Anti-Terrorism Awareness, Bloodletting, pamimigay ng flyers, pagtuturo ng paggawa ng dishwashing liquid bilang pangkabuhayan, pamimigay ng libreng damit, at marami pang iba.

Layunin ng programa na magbigay ng mga serbisyo at tulong sa mga residente ng barangay sa pamamagitan ng mga mobile na serbisyo. Ito ay alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapalapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, edukasyon, kabuhayan, at iba pa.

Ang paglunsad ng barangay caravan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kababayan nating makakuha ng serbisyo na kanilang kailangan nang hindi na pupunta sa malalayong lugar.

Sa serbisyo caravan, kapakanan ng mamamayan ang isinasaalang-alang para kasabay at kaagapay sa pag-unlad ng bayan.

Source: Calintaan Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *