Advocacy Support Group, nakilahok sa Mangrove Tree Planting Activity
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Mangrove Tree Planting sa Barangay Bongalonan, Basay, Negros Oriental, noong ika-16 ng Abril 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan mula sa Basay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Alfred Vicente A Silvosa, Officer-In-Charge, at sa suporta ng 4th SOU PNP Maritime at Advocacy Support Group.
Ang pagtatanim ng limampung (50) mangrove propagules ay isang hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan at maiwasan ang mga pinsalang dulot ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, at pagguho ng lupa.
Layunin nito na mapanatili at protektahan ang likas na yaman ng baybayin.
Sa ganitong paraan, ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na komunidad ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapalakas ng kamalayan sa kapakanan ng likas na yaman.
Source: Basay MPS