Advocacy Support Group, nakilahok sa Outreach Program

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang community outreach program sa Barangay X, Victorias City, Negros Occidental nito lamang ika-10 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Victorias City Police Station katuwang ang 605th Maneuver Company, RMFB6, BJMP, Salaam Police Advocacy Group, at Advocacy Support Group na dinaluhan naman ng mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.
Nakatanggap ang mga mag-aaral ng tsinelas na sinundan ng pamamahagi ng pagkain sa mga benepisyaryo na nagbigay ng saya at tuwa sa kanilang mga puso.
Ang layunin ng grupo ay hindi lamang tumugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan kundi nagpatibay din ng ugnayan sa mamamayan ng kanilang nasasakupan.
Source: Victorias PCR
Panulat ni Julius