KKDAT Advocacy Session, isinagawa sa Quezon

Aktibong nakilahok ang mga Sangguniang Kabataan at Youth Sector ng Barangay Poblacion 5 sa isinagawang KKDAT Advocacy Session sa Barangay Poblacion 5, Sariaya, Quezon nito lamang ika-12 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Johween O Atienza, PCAD PNCO, sa pamumuno ni PMaj Romar I Pacis, Acting Chief ng Sariaya Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at Youth Sector ng nasabing barangay.
Tampok sa aktibidad ang pagtuturo sa mga kabataan patungkol sa Drug Awareness at Bad Effect of Illegal Drugs kaugnay sa Project BIDA (Buhay Ingatan Droga’y Ayawan) at KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo).
Ang programa ay naglalayong lumikha ng isang henerasyon ng mga kabataang may kamalayan sa lipunan at may kakayahang mamuno sa pagpapabuti ng kanilang komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang lugar tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Sariaya Qppo Pcad