1st SK KK Assembly at BIDA Program, isinagawa sa Zamboanga Del Norte
Nakiisa ang mga Barangay Officials, Barangay Peacekeeping Action Teams, mga Tanod, Force Multipliers, Youths at Women Sector sa isinagawang Community Lecture sa Barangay Calucap, Zamboanga del Norte nito lamang Mayo 13, 2024.
Pinangunahan ng Salug Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Leo F Suan, Officer-In-Charge, ang aktibidad kung saan tinalakay rito ang RA 9262, BIDA Program, masamang epekto ng terorismo, ilegal na droga, at batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan.
Ang isinagawang aktibidad ay tungkol sa 1st SK KK (Kabataan At Katipunan) Assembly na nagbigay ng magandang ideya at impormasyon na labis namang ikinatuwa ng mga dumalo.
Layunin ng aktibidad na ito na mas palawakin at paigtingin ang magandang relasyon ng komunidad at makintal sa kaisipan ang mga usaping karapatang pantao, paglaban sa katiwalian, at pagbabawas sa banta ng transnational na krimen at terorismo tungo sa ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Franco