Advocacy Support Group, nakilahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting Activity sa Pinamakan Riverside, Barangay Manggitahan, Dilasag, Aurora nito lamang Martes, ika-14 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Aurora 2nd Police Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Cielo L Caligtan, Force Commander katuwang ang mga opisyales ng nasabing barangay.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga punongkahoy upang pangalagaan ang ating
kalikasan at maiwasan ang
pagbaha sa lugar para sa
kasalukuyan at sa darating na
henerasyon.

Patuloy naman ang paghikayat ng Pambansang Pulisya sa paglulunsad ng ganitong aktibidad upang mahikayat ang mga mamamayan na makibahagi sa mga gawaing makatutulong sa kalikasan at
sa kanilang komunidad.

Panulat ni Pearl Crystalynne Javier

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *