Barangay Information Network Seminar, dinaluhan ng TODA

Nagsagawa ng Barangay Information Network (BIN) sa Davao Oriental Police Provincial Office, Mati City kung saan ay aktibong nakiisa ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) nito lamang Mayo 13, 2024.

Ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma kung saan ay ineengganyo ang bawat isa na makipagpalitan ng impormasyon hinggil sa seguridad ng lungsod na gagamitin upang mas palakasin ang mga hakbang na kinakailangan sa paglaban sa kriminalidad.

Dagdag pa dito, dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga kinatawan ng Davao Oriental Police Provincial Office kaisa ng komunidad sa pagkamit ng mas mapayapa at mas maunland na Mati City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *