Mga volunteers at PNP, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Tulong-tulong at sama-samang naglinis ang mga volunteers at kapulisan sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Malaubang, Ozamiz City, Misamis Occidental nito lamang ika-14 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng KABALIKAT CIVICOM ASST. INC., Barangay Staff, mga residente ng Barangay Malaubang, BPATs, Criminology Interns of La Salle University, at mga tauhan ng Maritime Police Station, Misamis Occidental.
Nakalikom ang grupo ng 30 sako ng basura sa isinagawang Coastal Clean-up Drive na idedeposito sa SWEMO upang mahiwalay ang mga pwede pang pakinabangan at i-recycle.
Ang iba’t ibang sektor sa probinsya ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad na ito upang mapanatili ang likas na yaman at kagandahan ng kalikasan sa layuning makamit ang isang Bagong Pilipinas.