Residente ng Bunawan, Godod, nakiisa sa isinagawang Livelihood Training
Nakiisa ang mga residente ng Barangay Bunawan, Godod Zamboanga Del Norte sa isinagawang Livelihood Training Program on Free Range Native Chicken Production nito lamang ika-16 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nirepresenta ni Mr. Alfonso T. Benlot Jr. at mga tauhan ng Godod Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Eduardo C Gallo, Officer-In-Charge.
Ang aktibidad ay nagbahagi ng dagdag kaalaman upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga lokal na residente sa tamang pagproseso ng pagkain o produkto.
Ang nasabing programa ay labis namang ikinatuwa ng mga residente ng Barangay Bunawan, Godod Zamboanga del Norte.
Layunin ng aktibidad na ito na itaas ang antas ng kamalayan, kasanayan ng komunidad at mag-inspira na kumilos magtrabaho o magtayo ng sariling negosyo sa larangan ng tamang pagproseso ng produkto o pagkain at maging isang mabuting mamamayan ng isang bansa upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Joyce Franco