KKDAT, nakiisa sa isinagawang Underwater at Coastal Clean-up Drive

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Underwater at Coastal Clean-up Drive sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province.nitong lamang Mayo 22, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Maasim na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP) at Barangay Officials ng Tinoto, Local Government Unit (LGU) Maasim, Youth Volunteers mula sa Maasim, at mga Miyembro ng Rotary Metro Koronadal.

May kabuuang sampung plastik ng basura na binubuo ng biodegradable at non-biodegradable. Ang nakolekta ay maayos na nai-turn over sa Waste Management Office ng Maasi.

Layunin ng programang ito na maiwasan ang pinsala sa mga hayop sa dagat mula sa paglunok o pagiging gusot sa mga labi at binabawasan ang polusyon na maaaring makapinsala sa parehong nabubuhay sa tubig at buhay ng tao.

Batid ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad na tutulong sa konserbasyon ng biodiversity at sumusuporta sa napapanatiling pamamahala ng yamang dagat sa pamamagitan ng pagkolekta ng basura sa karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *