Advocacy Support Group, nakilahok sa Magrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive

Nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive na ginanap sa Baybayin sa Sitio Tambacan, Barangay 4, Tanjay City, Negros Oriental noong ika-25 ng Marso 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Barangay Poblacion 9 na pinangunahan ni Hon. Bobby T Alonso, kasama ang mga Konsehal ng Barangay, Barangay Health Workers, Barangay Tanods, iba pang Barangay Based Advocacy Support Group, at ang Alpha Kappa Rho Fraternity.

Kasama rin na nakiisa sa aktibidad ay ang mga kapulisan ng Tanjay City Police Station.

Ang grupo ay nagtulong-tulong sa pagtatanim ng mga puno ng bakawan na mahalaga hindi lamang para sa kalikasan kundi para rin sa kaligtasan ng mga baybayin laban sa erosyon at pagbaha at kasabay din nito ay ang paglilinis ng mga baybayin.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga lokal na opisyal, pulisya, at mga miyembro ng komunidad, ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng kooperasyon para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan upang maisulong ang kalinisan at pangangalaga sa kalikasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Source: Tanjay CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *