Mga ahensya ng gobyerno, nakiisa sa SIMEX sa Glan, Sarangani

Aktibong nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang isinagawang Simulation Exercises (SIMEX) ng Drowning Incident na isinagawa sa Reyes Beach, Barangay Gumasa, Glan, Sarangani Province nito lamang Biyernes, ika-24 ng Mayo 2024.

Nakiisa ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Sarangani EOD, SWAT, Sarangani Provincial Medical Dental Unit at Philippine Coast Guard.

Nakilahok din ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol Deanry R Francisco, Provincial Director kasama ang Provincial Operation Management Unit sa pangunguna ni Jennefer A Molina, Chief POMU.

Layunin ng aktibidad na paghandaan ang nalalapit na pagdiriwang ng SARBAY 2024.

Isinagawa ang ganitong aktibidad upang masuri, mapag-aralan at matugunan ng solusyon ang mga insidente na maaaring mangyari sa nasabing pagdiriwang.

Ang ganitong aktibidad ay nagpapakita lamang ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para maging handa palagi sa anumang pangyayari.

Panulat ni Bambam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *