Coastal Clean-up Drive, isinagawa kasama ang KKDAT 

Isinagawa ng mga kapulisan ng Barobo Municipal Police Station ang isang Coastal Clean-up Drive kasama ang Advocacy Support Group (ASG) sa sektor ng kabataan na Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na ginanap sa Coastal Area ng Barangay Dapdap, Barobo, Surigao del Sur noong Mayo 28, 2024 bandang alas-6:00 ng umaga.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi sa pagdiriwang ng 2024 Month of the Ocean na may temang: “Develop a Sustainable and Equitable Blue Community”.

Sa pagtatapos ng aktibidad, maraming basura ang nakolekta mula sa baybayin, na nagpapatunay sa tagumpay ng kanilang sama-samang pagsisikap.

Ang pagsusumikap na ito ay naglalayong itaguyod ang kamalayan ng publiko na maging bahagi ng pagsisikap na protektahan ang mga yamang-dagat mula sa polusyon at iba pang banta sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *