KKDAT Solana, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Road, Communal Garden, Barangay Centro North West, Solana, Cagayan noong ika-5 ng Hunyo 2024.

Matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad katuwang ang mga miyembro ng Solana Police Station na pinangunahan ni Police Master Sergeant Faustino L Zingabo, Senior MCAD, PNCO, Cagayan Police Provincial Office, miyembro ng Sangguniang Kabataan, sa pamumuno ni John Hessin M Accad, SK Chairman, at mga miyembro ng KALIGKASAN Solana.

Lahat ay sama-sama sa pagtatanim ng mga seedlings tulad ng papaya, mahogany, at melina.

Ang naturang aktibidad ay bunga ng magandang ugnayan ng kapulisan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mamamayan upang mapangalagaan ang kalikasan at maiwasan ang mga sakuna, mapanatili ang kalinisan at kaayusan para sa mas progresibong pamayanan.

Source: Solana PS PCR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *