Operation Tuli 2024 sa Brgy. San Andres, matagumpay na isinagawa
Matagumpay ang isinagawang Operation Tuli 2024 ng LGU-RHU Bunawan sa tulong ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Barangay Health Workers (BHWs), Valentina Galido Plaza Memorial Hospital (VGPMH) at 1303rd Maneuver Company ng RMFB 13 na isinagawa sa ASG-BLGU San Andres, Bunawan, Agusan del Sur noong ika-4 ng Hunyo 2024.
Ang programa ay nagsimula ng 9:30 ng umaga at dinaluhan ng maraming mga residente, kasama ang kanilang mga pamilya.
Sa kabila ng init ng panahon, nagpatuloy ang mga doktor, nars, BPATs, BHW, at iba pang mga kawani sa kanilang serbisyo, nagpakita ng dedikasyon at malasakit sa kanilang komunidad.
Layunin ng “Operation Tuli 2024” na mabigyan ng libreng serbisyo ang mga batang kalalakihan at matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa pamamagitan ng tamang pamamaraan ng pagtutuli.