Makati Science Technological Institute of the Philippines Students, nakiisa sa Information Drive

Aktibong nakiisa sa isinagawang Information Drive ang mga mag-aaral ng Makati Science Technological Institute of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila nito lamang Huwebes, Hunyo 20, 2024.

Pinangunahan ng Station Community Affairs and Development Section ng Sta. Mesa Police Station ang naturang dayalogo sa mga estudyante.

Itinuro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa BIDA Program o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) ng DILG at namamahagi din ng IEC Materials tungkol sa Crime Prevention Tips, RA 11313 Safe Spaces Act. (Anti- Bastos Law), RA 9262 (VAWC), RA 9165 at E.O 70 na kilala bilang NTF-ELCAC upang masiguro na hindi magiging biktima ng karahasan.

Layunin ng dayalogong ito sa mga kabataan ay maiwasang maging biktima ng anumang ilegal na aktibidad at gawain sa kanilang komunidad upang maipagpatuloy ng maayos ang kanilang pag-aaral para sa isang magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *