Advocacy Support Group, nakiisa sa Magrove Tree Growing at Coastal Clean-up Drive

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Mangrove Tree Growing at Coastal Clean-Up Drive sa Barangay Malusay, Guihulngan City, Negros Oriental noong ika-28 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronnie F Failoga, Officer-In-Charge, sa pakikipag-ugnayan sa mga Opisyal ng Barangay at sa pakikipagtulungan ng Malusay Fish Loving People II (MAGLP II) sa pangunguna ni G. Alfredo O. Cotchoco.

Ang grupo ay tulong-tulong sa pagtatanim ng humigit-kumulang 200 punlang bakawan at paglilinis sa baybayin kasama ang mga boluntaryong residente ng lugar.

Ang gawaing ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Kapaligiran na may temang, “Ang Ating Kapaligiran, ang Ating Kinabukasan.”

Ang aktibidad na ito ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad para sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Source: Guihulngan CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *