BPATs, nakilahok sa isinagawang IDADAIT Lecture ng Tarlac PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang IDADAIT Lecture ng mga tauhan ng Camiling Municipal Police Station sa Barangay Bacabac, Camiling, Tarlac nito lamang Lunes, ika-1 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Sonny S Bitaga, Acting Chief ng Camiling Municipal Police Station.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Tarlac PNP patungkol sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay sa selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT), na may temang “The evidence is clear: Invest in Prevention” na nilahukan ng mga BPAT members at Barangay Officials.
Ito ay isang paraan ng ating mga kapulisan para hikayatin ang mamamayan na makiisa sa programa para sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa programang isinusulong ng ating President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. upang magbigay ng malasakit sa kapwa at makamit ang kaayusan at kapayapaan na maghahatid sa kaunlaran ng bansa.