Karancho Nasipit at Buenavista Chapter, lumahok sa National Disaster Resilience Month 2024

Lumahok ang Karancho Buenavista at Karancho Nasipit sa isinagawang Kick-Off Motorcade kaugnay ng National Disaster Resilience Month 2024 na ginanap sa Versoza Park, Nasipit, Agusan Del Norte bandang 6:00 ng umaga nito lamang Hulyo 1, 2024.

Dumalo ang iba’t ibang mga kasapi mula sa parehong Chapter ng Karancho at nagpakita ng kanilang suporta sa pamamagitan ng kanilang mga motorsiklo na may mga slogan na nagtataguyod ng kahandaan at katatagan.

Layunin ng mga ito na ihanda ang buong komunidad sa harap ng mga banta ng kalamidad at tiyakin na ang bawat isa ay may sapat na kaalaman at kakayahan upang tumugon sa oras ng pangangailangan.