Leadership Camp, dinaluhan ng mga Kabataan sa Dumaraan, Palawan

Maayos na naisagawa ang youth camp para sa Parish Churches’ youths na isinagawa sa Barangay Magsaysay, Dumaran, Palawan nito lamang Hulyo 1, 2024.

Ang aktibidad na ito ay may temang “Kabataan, Sama-samang Naglalakbay, Taglay ang Lakas at Katatagan sa Kasalukuyan at Kinabukasan” na inorganisa katuwang ang 2nd Palawan PMFC sa pangunguna ni PLtCol Mhardie A Azares , Force Commander ng Revitalized-Pulis Sa Barangay Team ng 2nd Palawan PMFC.

Layunin ng aktibidad na ito na malayo sa kapahamakan ang mga kabataan dulot ng droga, nais ng aktibidad na ito na maturuan ang mga kabataan ng Palawan na makipag kapwa tao at madevelop pa ang kanilang team work, leadership skills at iba pa.

Ito ay pagpapakita na ang ating gobyerno ay may malasakit para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Source: 2nd Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *