KKDAT, nakiisa sa “Bola Kontra Droga” sa Sapian Capiz

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang “BOLA KONTRA DROGA” bilang bahagi ng pagdiriwang ng 29th Police Community Relations Month na ginanap sa Sapian, Capiz nito lamang Hulyo 1-2, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Sapian Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Merry Chris M Dela Cruz, Officer-In-Charge kasama ang Sapian Local Government Unit, Municipal Social Welfare and Development Office, at Sapian Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Ang selebrasyon ay nagsimula sa isang makulay na parada na nilahukan ng iba’t ibang barangay sa Sapian.

Ang KKDAT ay hindi nagpahuli at buong sigasig na nagmartsa dala ang kanilang mga banner na may mga mensaheng kontra-droga.

Ang kanilang presensya ay simbolo ng pagkakaisa ng kabataan sa layunin ng programa.

Bukod sa parada, isa rin sa mga tampok ng aktibidad ay ang zumba dance na nagbigay kasiyahan at sigla sa mga kalahok.

Ang mga miyembro ng KKDAT ay aktibong nakiisa, ipinakita ang kanilang talento sa pagsayaw, at naging inspirasyon sa kanilang mga kapwa kabataan.

Sa patuloy na pagsuporta ng pamahalaan at komunidad, ang kampanya kontra droga ng Sapian PNP at KKDAT ay nagiging mas matibay at epektibo.

Ang kanilang sama-samang pagsusumikap ay tiyak na magbubunga ng mas ligtas at maayos na pamayanan para sa komunidad.

Source: PCADGWesternVisayas

Panulat ni Pat. Andrea Dominique G Depalubos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *