BPATs sumailalim sa pagsasanay ng Tarlac PNP
Aktibong nakilahok sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team mula sa iba’t ibang barangay ng Tarlac na isinagawa ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa Kaisa Convention Hall, Barangay Ligtasan,Tarlac City nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Sean Logronio, Acting Chief of Police ng Tarlac City Police Station katuwang ang Department of the Interior and Local Government at Tarlac City Reduction Management Office.
Nagbigay kaalaman ang pulisya ng Basic Self Defense, Handcuffing technique, talakayan tungkol sa Law Enforcement Procedure, Katarungang Pambarangay at mga dapat nilang gawin sa oras ng sakuna.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.