BPATs, lumahok sa Handcuffing Techniques
Nagsagawa ang 3rd batch ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cadres ng Handcuffing Techniques kung saan naging kalahok ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Villa Undayon, Agusan del Sur noong Hulyo 9, 2024.
Ang programa at aktibidad ay patunay lamang na ang kooperasyon sa pagitan ng mga BPATs at PNP ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Layunin ng pagsasanay na ito na mabigyan ng tamang kaalaman at kasanayan ang mga tanod ng barangay sa paggamit ng posas at tamang paraan ng pag-aaresto.
Sa ganitong paraan, masisiguro na magiging maayos at ligtas ang proseso ng pag-aresto na magreresulta sa mas mapayapang komunidad.