KKDAT at BPATs, nakiisa sa Tree Planting at Clean-up Drive sa Lallo, Cagayan
Bilang bahagi ng ika-29th Police Community Relations Month, nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang tree planting at clean-up drive sa Barangay Bangag, Lal-Lo, Cagayan nitong ika-10 ng 2024.
Pinangunahan ng Lallo Police Station ang aktibidad sa pangangasiwa ni PCpl Janene Ciubal, Assistant Admin PNCO, katuwang ang mga Advocacy Support Groups sa pamumuno ni Barangay Chairwoman Gloria Bautista.
Maliban sa paglilinis ng kapaligiran ay nakapagtanim ang grupo ng 50 coconut seedlings.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang maaliwalas na kapaligiran, gayundin ang pagkukuhanan ng pagkain, hanapbuhay at proteksyon sa kalikasan. Sa pamamagitan nito nagiging mas maganda, malusog, at sustainable ang paligid.
Kaya naman ang grupo ay patuloy na hinihikayat ang mga mamamayan na makilahok sa mga aktibidad ng gobyerno para sa masagana, maunlad at matiwasay na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Lal-Lo Police Station