KKDAT, nakiisa sa Youth Empowerment Activity
Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Youth Empowerment Activity sa Sitio Tahikong ng Barangay Salacafe, sa bayan ng Tboli, South Cotabato nito lamang Hulyo 8-10, 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng 12th Special Forces Company Philippine Army, kaakibat ng BLGU-Salacafe, POPCOM, Civil Society Organizations, PNP-Tboli, DILG-Tboli, MHO-Tboli, Sangguniang Bayan Legislative at Tribal Affairs Unit ng LGU Tboli.
Nasa 100 kabataan naman kasama ang ilang mga magulang mula sa tatlong magkalapit na pook.
Nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad ang grupo tulad na lamang ng Information Drive sa Anti-Terrorism Awareness, Population Program and Counseling, Health Awareness, Violence Against Women and their Children, Environmental Awareness, Social Media Concern.
Maliban dito, nagsagawa rin ng BPATs Orientation at Feeding Program, gayundin ng Zumba Exercises at Boodle Fight.
Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng KKDAT at iba pang mga lokal na ahensya, nagpapakita ito ng dedikasyon sa pagbibigay ng kaalaman at pagpapalakas sa mga kabataan ng Tboli.
Ang ganitong mga aktibidad ay naglalayong magdulot ng positibong epekto hindi lamang sa kabataan kundi pati na rin sa buong komunidad ng Tboli, na nagbibigay ng pag-asa para sa mas maunlad na kinabukasan.