Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa MisOcc

Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Casul, Sapang Dalaga, Misamis Occidental nito lamang ika-15 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng Barangay Local Government Unit, Sangguniang Kabataan (SK), BPATs, Women’s Association, Barangay Health Workers at Apha Phi Omega.

Nakiisa rin ang mga personahe ng Sapang Dalaga Municipal Police Station at 1002nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion 10.

Sa kabuuan nasa mahigit kumulang 10 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha ng mga naturang grupo.

Ang aktibidad ay naglalayong linisin ang mga dalampasigan o baybayin, at itaguyod ang kalinisan at kaligtasan ng coastal ecosystem.

Layunin din nito na magbigay ng pagkakataon sa komunidad na magkaisa at magtulungan sa pagpapanatili ng kalikasan ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *