Force Multipliers, nakilahok sa isinagawang Lecture/Pulong-pulong sa Samar

Aktibong nilahukan ng mga Force Multipliers ang isinagawang Lecture/Pulong-pulong sa Barangay Old Manunca, Santa Rita, Samar nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales ng Barangay Old Manunca sa pamumuno ni Punong Barangay Jouie P. Tiu kasama ang mga tauhan ng Santa Rita Municipal Police Station at ang mga residente ng nasabing lugar.

Tinalakay sa Lecture/Pulong-pulong ang paksa hinggil sa RA 8353, RA 9165, ELCAC, BIDA Program, RA 9262, Anti-criminality Awareness at mga kaugnay na aktibidad.

Sa paraang ito, ang mga miyembro ng grupo ay nagkakaroon ng kamalayan at tamang kaalaman sa mga batas na ipinapatupad ng ating gobyerno.

Patuloy na palalakasin ng mga grupo ang ugnayan nila sa ating kapulisan ng sa gayon ay makapagpalaganap ng maayos at tama sa mga batas kahit sa mababang antas ng ating gobyerno dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ay ligtas ang bawat isa sa ating bansa.

Panulat ni Patrolwoman Cristel D Palafox

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *