Miyembro ng BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Batangas City

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Barangay Bucal, Batangas City nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Batangas City PNP at kanilang binigyan kaalaman ang mga kasapi ng BPATs ng tamang pag-aresto at handcuffing techniques na makakatulong upang mas maging epektibo sila sa kanilang mga tungkulin na mapanatili ang katahimikan at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.

Patuloy ang iba’t ibang organisasyon kasama ang PNP sa pagtutulungan lalo na sa ating mga usaping pangkapayapaan upang magkaroon ng mas ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *